Wednesday, December 8, 2010

MY UTOPIAN REFUGE

“If hell is full, the dead will walk the earth.” This is a famous tagline from a zombie movie I’ve watched. I came to realize something that chills me to the bones every time I think of it. What if it really happens? Surely earth will be a floating wasteland in the universe and where are we going? Have you thought of that, too?

Well, as early as now, I want to think of a place where I can start all over again. I want to create a perfect place—a utopia which I can call my safe haven.

Like any other normal individual, I also want peace. That’s the first thing I want to put in my utopia. I want to have a beautiful melody of singing birds and whispering breeze to be the noise instead of honking cars and loud music. I want to hear the sound of waterfalls and riverbanks instead of leaking faucet and damaged tubes sprinkling water. I’d like to put a lot of green mountains which look like swollen abdomen of pregnant mothers which will symbolize that in my utopia, nature nourishes everything that dwells in it not a bunch of pregnant young girls slicing off their bellies. I consider them as one of the modern-day ‘zombies’. I want dancing trees, creeping friendly creatures and lurking timid opportunists by nature to be my everyday attraction than trees being torn down, buildings being blown off by bombers, sneaking criminals and skulking greedy opportunists. Don’t you see? Right now, we are being ran by ‘zombies’ who only wanted to feed on our weaknesses. They are being controlled by their instincts to feed and feed on whatever savory benefits the opportunity can offer them as they lie on their stomachs, waiting for innocent preys. Sometimes, these ‘zombies’ feed on our ‘brains’, too. They get other people’s ideas and benefit from it without even acknowledging the person behind that wonderful idea.

We better hurry up and create a place like mine before we become one of those ‘zombies’—before we become ignorer of the fallacies of mankind.

And these wonderful thoughts make up my ideal place, my utopian refuge. This is my idea and no ‘zombies’ will devour on it, unless, you’re one of them. Are you?

Sunday, November 14, 2010

hay salamat... naopen ko na ulit ang long lost blog ko...hehehe... nkalimutan ko kasi ang password...ngaun ko lng naalala....hahaha

Monday, March 15, 2010

BobOng Sino?
Ni: Sherelyn Nuñez

Sidney Sheldon. Dan Brown. John Grisham. Tom Clancy. Anne Rice. Ang mga pangalan na ito ay kadalasan nating nakikita na nakalimbag ng pagkalaki-laki sa cover ng kanilang mga obra. Sabi raw, kapag sikat ka ng manunulat, mas unang papansinin ang pangalan mo kaysa sa mga pamagat ng sinulat mo. Sabi-sabi lang yun, huwag kang maniwala dun. Para rin yang mga sabi-sabi tungkol sa isang sikat na Pilipinong manunulat na kilala natin sa pangalang Bob Ong.
Bakit si Bob Ong, sikat pero halos parang 16 lang ang font size ng kanyang pangalan sa bawat aklat na isinulat nya? Pati mga pamagat eh maliliit rin. Ibig sabihin ba nito, mapagkumbaba sya? Baka naman nahihiya sya kasi lahat ng sinusulat nya ay sumasalamin sa kabobohan ng mga Pilipino? Oo nga naman, sino ba naman ang aamin na bobo sya? Ikaw, ipagmamalaki mo ba na bobo ka? At sino nga ba si Bob Ong?

Napagod ako sa paghahanap sa kung sino si Bob Ong. Tatlong oras akong nag-click, nag-scroll at nagkusot ng mga mata sa pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa kanya sa pagkalawak-lawak na libro na kung tawagin ay Internet. Sabi ng mga masugid nyang tagahanga, tagasunod at mga bloggers na masipag magkalat ng mga kaisipan sa kanilang blogs, si Bob Ong raw ay imahinasyon lamang ng maraming mga manunulat. Collaboration, ika nga, ng mga ideya ng marami. May mga nagasasabi rin na si Bob Ong ay si Roberto “Bob” Ong. Iyon kasi yung nabasa nila sa akda nyang “ABNKKBSNPLAKo?”.

Nag-click muli ako at nag-scroll. Nagkusot ng mga mata habang naghahanap ng kasagutan sa tanong ng marami kung sino ang bobo. Ay mali! Kung sino pala si Bob Ong. Parang hindi sagot ang nakuha ko, kundi, pagdududa.

Narito ang ilan sa mga nakuha ko tungkol sa misteryosong manunulat.

Bob Ong, or Roberto Ong, is the
pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino. . –Wikipedia

Bilib na talaga ako kay Bob Ong, pati Wikipedia, iniimbestigahan na rin sya.

The pseudonym Bob Ong came about when the author was working as a web developer and a teacher, and he put up the Bobong Pinoy website in his spare time. The name of the site roughly translates as "Dumb Filipino," used fondly as a
diminutive term. "Although impressed," Bob Ong notes, "my boss would've fired me had he known I was the one behind it." When someone contacted him after mistaking him as an actual person named Bob Ong, his famous pseudonym was born. The site received a People's Choice Philippine Web Award for Weird/Humor in 1998, but was taken down after former President Joseph "Erap" Estrada was ousted after the Second People Power Revolution.-Wikipedia ulit

Mula mismo kay Bob Ong sa pamamagitan ng e-mail interview sa lathalain ni Ruel S. De Vera ng Philippine Daily inquirer:

He [Bob Ong] says that he is nothing like people think he is. “Quiet and oftentimes boring,” he says by way of description. “You wouldn’t see the Bob Ong you wish to meet. Other than stories that tend to be wordy when told in person, I’ve got no other entertaining qualities.”

Teka, bakit nga ba tayo hanap ng hanap sa BobOng na yun? Importante bang malaman natin kung sino sya kaysa sa kung anong mga aral ang dala ng kanyang mga akda? Nagmumukha na tayong mga taumbayan sa aklat nyang “Kapitan Sino”. Basta, kung sino man si Bob Ong, pasalamat na lang tayo na may nagpapahalaga pa sa ating mga Pilipino. May pumapansin, ika nga—mga kabobohan man o galling natin.

…(Mr. Vea) There are several reasons why Ong elected to maintain his secret identity, but perhaps the most essential is that he wants to keep doing what he does the way he wants to. It’s continuing to create on his own terms. “I don’t cope well with big changes,” Bob Ong writes. “It’s just not for me. Fame comes with a price I’m not willing to pay. I just want to write while living the average Filipino life. I don’t want to be robbed of that.”

Hala kayo! Huwag nyo nang alamin kung sino si Bob Ong dahil magmumukha kayong magnanakaw dahil para sa kanya, ang kasikatan ang kukuha sa buhay na gusto nya.

Basta ako, alam ko na kung sino si Bob Ong. Marahil alam mo na rin. Sabi nga ni Caloycoy isang blogger, “Si Bob Ong ay tayong mga Pilipino rin”.
i have lots of things to do... i don't know where to start. i don't even know if i'll ever start... and i don't know what to start... hays... school works really sucks!!!

Tuesday, March 9, 2010

I'M PROUD TO PRESENT MY KHIM.... ISN'T SHE BEAUTIFUL? HAIZT... LOVE NA LOVE KO YAN KAHIT MINSAN NAG-AAWAY KAMI... SANA UMUWI NA SYA. MISS NA NAMIN SYA...
HAIZZT... STOP NA MUNA AKO SA PAGPOPOST NG MGA STORIES KO DITO... WALA NAMAN AKONG FOLLOWERS... HEHEHE... (TAMPO AKO)

SANA MAPANSIN NYO...ECHOS!!!

CHAPTER TWO

After two days, the lady woke up. Miguel, Christian and the doctor were inside the room that time. The lady asked, “Ano’ng ginagawa ko rito?”
Miguel explained, “Naaksidente ang sinasakyan nating bus dalawang araw na ang nakakaraan.”
“Bus? Sino ka?”
“Ako yung katabi mo nung matagpuan tayo ng mga rescuers. Ako rin yung nagdala sa’yo rito sa ospital. Teka, ano nga bang pangalan mo?”
“Pangalan ko? Wala akong pangalan.” She remembered a voice calling her 0929 but her head ached. “Aray!”
“Ah.. Bakit? May masakit ba sa’yo?”
“Wala lang ‘to. Para kasing tinutusok ang ulo ko. Ang natatandaan ko 0929 ang pangalan ko. Yun lang.”
Christian laughed to himself but Miguel hit his stomach with his elbow. “Baka number mo yun. Ang tinatanong ko sa’yo pangalan mo.”
“Di ko matandaan eh. Di ko nga matandaan na sumakay ako ng bus.”
Miguel and Christian were surprised. The doctor invited them out of the room and explained that the lady was suffering from amnesia.
“Ano?! Ibig sabihin, wala siyang maalala?” Miguel reacted. “Okay lang, ipapahanap ko na lang mga kamag-anak nya. Ipapalabas ko rin sa mga ads na nawawala siya at hihintayin ko na lang na may mag-claim sa kanya.”
Miguel and Christian returned to the room and smiled to the lady. Miguel showed her the clothes and the wrist watch she was wearing during the accident. “Uhmm… Naaalala mo ba ang mga ito? Ito kasi yung mga gamit mo nung maaksidente tayo. Wala ka ring wallet para malaman namin kung sino ka. Wala kang I.D. o kung ano mang mapagkakakilanlan.”
The lady looked at her things. “Pasensya ka na. Wala talaga akong maalala. Sino ka ba?”
“Ako si Miguel Sy. Ako yung nagdala sa’yo rito. Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao.” He held her hands and noticed the small slices on her fingers. Baka naman kusinera siya. Puro sugat kasi ang daliri nya. Puro pa maliliit na hiwa. He stared long at her hands. The lady removed her hands. “Sorry ha. Nakita ko kasi may mga hiwa yung daliri mo eh.”
Christian teased, “Ows… style mo bulok.” He covered his mouth to stop himself from laughing.
Miguel stared at Christian with a message that he should stop playing around. He turned to the lady. “Kung gayon, dahil hindi mo maalala ang pangalan mo, ako na lang magbibigay ng pangalan mo pero pansamantala lamang. Mula ngayon, Miki muna ang pangalan mo. Yan ay kung okay lang sayo.”
“Okay lang sa akin.” She sat up. “May hihilingin sana ako. Pwede bang ilabas mo na ako dito sa ospital? Magaling na ako. Hindi ko na kailangang magtagal dito.”
“Saan ka naman pupunta? Di ba wala kang maalala?” Christian asked.
“Lalo kasi akong magkakasakit kapag tumagal pa ako dito. Nakikiusap ako, Sir.”
Miguel butt in, “Sige, ilalabas na kita dito bukas.”
“Teka”, Christian said. “Saan mo naman siya balak patirahin? Iiwan mo na lang ba siya sa kalsada pagkatapos niyang lumabas dito? Hindi ka talaga nag-iisip.” He shook his head.
Miki stared at them while they were having arguments. “Ah… ‘wag na kayong mag-away. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Basta makaalis lang ako dito, okay na.”
Christian gestured her to stop talking. “Hindi. Kung gusto mo, sa apartment muna kita habang wala ka pang maalala.”
“Hindi naman yata ako makakapayag nyan,” Miguel disagreed. “Pakikiusapan ko na lang si Dad na dun muna siya sa bahay. Wala rin namang ibang kasama dun si Dad kundi mga katulong. Isa pa, hindi siya pwede sa apartment ko kasi dun ko dinadala ang mga chikababes ko.”
At last, they already came up with one idea: Miki will stay at Chaiman Sy’s mansion.