BobOng Sino?
Ni: Sherelyn Nuñez
Sidney Sheldon. Dan Brown. John Grisham. Tom Clancy. Anne Rice. Ang mga pangalan na ito ay kadalasan nating nakikita na nakalimbag ng pagkalaki-laki sa cover ng kanilang mga obra. Sabi raw, kapag sikat ka ng manunulat, mas unang papansinin ang pangalan mo kaysa sa mga pamagat ng sinulat mo. Sabi-sabi lang yun, huwag kang maniwala dun. Para rin yang mga sabi-sabi tungkol sa isang sikat na Pilipinong manunulat na kilala natin sa pangalang Bob Ong.
Bakit si Bob Ong, sikat pero halos parang 16 lang ang font size ng kanyang pangalan sa bawat aklat na isinulat nya? Pati mga pamagat eh maliliit rin. Ibig sabihin ba nito, mapagkumbaba sya? Baka naman nahihiya sya kasi lahat ng sinusulat nya ay sumasalamin sa kabobohan ng mga Pilipino? Oo nga naman, sino ba naman ang aamin na bobo sya? Ikaw, ipagmamalaki mo ba na bobo ka? At sino nga ba si Bob Ong?

Napagod ako sa paghahanap sa kung sino si Bob Ong. Tatlong oras akong nag-click, nag-scroll at nagkusot ng mga mata sa pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa kanya sa pagkalawak-lawak na libro na kung tawagin ay Internet. Sabi ng mga masugid nyang tagahanga, tagasunod at mga bloggers na masipag magkalat ng mga kaisipan sa kanilang blogs, si Bob Ong raw ay imahinasyon lamang ng maraming mga manunulat. Collaboration, ika nga, ng mga ideya ng marami. May mga nagasasabi rin na si Bob Ong ay si Roberto “Bob” Ong. Iyon kasi yung nabasa nila sa akda nyang “ABNKKBSNPLAKo?”.
Nag-click muli ako at nag-scroll. Nagkusot ng mga mata habang naghahanap ng kasagutan sa tanong ng marami kung sino ang bobo. Ay mali! Kung sino pala si Bob Ong. Parang hindi sagot ang nakuha ko, kundi, pagdududa.
Narito ang ilan sa mga nakuha ko tungkol sa misteryosong manunulat.
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino. . –Wikipedia
Bilib na talaga ako kay Bob Ong, pati Wikipedia, iniimbestigahan na rin sya.
The pseudonym Bob Ong came about when the author was working as a web developer and a teacher, and he put up the Bobong Pinoy website in his spare time. The name of the site roughly translates as "Dumb Filipino," used fondly as a diminutive term. "Although impressed," Bob Ong notes, "my boss would've fired me had he known I was the one behind it." When someone contacted him after mistaking him as an actual person named Bob Ong, his famous pseudonym was born. The site received a People's Choice Philippine Web Award for Weird/Humor in 1998, but was taken down after former President Joseph "Erap" Estrada was ousted after the Second People Power Revolution.-Wikipedia ulit
Mula mismo kay Bob Ong sa pamamagitan ng e-mail interview sa lathalain ni Ruel S. De Vera ng Philippine Daily inquirer:
He [Bob Ong] says that he is nothing like people think he is. “Quiet and oftentimes boring,” he says by way of description. “You wouldn’t see the Bob Ong you wish to meet. Other than stories that tend to be wordy when told in person, I’ve got no other entertaining qualities.”
Teka, bakit nga ba tayo hanap ng hanap sa BobOng na yun? Importante bang malaman natin kung sino sya kaysa sa kung anong mga aral ang dala ng kanyang mga akda? Nagmumukha na tayong mga taumbayan sa aklat nyang “Kapitan Sino”. Basta, kung sino man si Bob Ong, pasalamat na lang tayo na may nagpapahalaga pa sa ating mga Pilipino. May pumapansin, ika nga—mga kabobohan man o galling natin.
…(Mr. Vea) There are several reasons why Ong elected to maintain his secret identity, but perhaps the most essential is that he wants to keep doing what he does the way he wants to. It’s continuing to create on his own terms. “I don’t cope well with big changes,” Bob Ong writes. “It’s just not for me. Fame comes with a price I’m not willing to pay. I just want to write while living the average Filipino life. I don’t want to be robbed of that.”
Hala kayo! Huwag nyo nang alamin kung sino si Bob Ong dahil magmumukha kayong magnanakaw dahil para sa kanya, ang kasikatan ang kukuha sa buhay na gusto nya.
Basta ako, alam ko na kung sino si Bob Ong. Marahil alam mo na rin. Sabi nga ni Caloycoy isang blogger, “Si Bob Ong ay tayong mga Pilipino rin”.